Information for Dengvaxia Vaccine and Dengue.

Advice and ideas of Doc Willie Ong And Dr. Liza Ong:
Dr.Willie Ong Channel
---------------------------------------------------------------------
1. Wala pa pong pangontra sa epekto ng Dengvaxia. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi na may produkto na makakaalis sa epekto nito.

2. Ang posibleng Severe Dengue ay mangyayari lang kung magka-dengue ang bata dahil sa kagat ng lamok. Hindi manghihina ang resistensyang bata dahil nabakunahan ng dengvaxia. Sa katunayan, sa 80-90% ng kaso ay mas lalakas pa siya laban sa Dengue. 

3. Sa mga seronegative (wala pang dengue) na nabakunahan, palakasin ang resistensya ng bata. Kumain ng masustansya. Puwede mag-vitamins kung gusto. Kumpleto ang tulog at pahinga ng bata. Maglagay ng Off Lotion. Lagyan ng Screen ang bahay. Kulambo pag natutulog. Alisin ang naiimbak na tubig sa paligid. Maglinis sa paligid para walang tataguan ang lamok. 

4. Kung magka-lagnat, dalhin sa ospital para ma-check sa dengue. Dapat may PhilHealth card na para bawas sa gastos pang-ospital.
------------------------------------------------------------------------

Post a Comment

Previous Post Next Post