Mar 6, 2018

Happy Farming : HAPPY FARMERS Tanim dito, tanim doon by ‎Joemarie Reoyo‎

Kay gandang subaybayan
Facebook page ng pagtataniman
Kanya kanyang bida
Maging tagumpay man ito o problema

Nakakatuwang basahin
Komentaryo ng bawat kasapi
Sa hindi malaman n dahilan 
Bigla ka na lng mapangiti

Sa atin dito merong seryoso
Meron din bolera at bolero
Pero hindi rin mawawala ang may pagkalokoloko
Okey lng yan Amiga at Amigo, always gàme na lng tayo

Ang pagtatanim ay hindi lamang isang libangan
Isa din itong malaking pakinabang
Ang ilan ginagawang personal na kunsumo
Pero marami din sa atin pinagkakakitaan ito

Ang pag unlad o pag aasenso
Ay hndi lamang sa pagging negosynte o empleyado
Marami dn ang mga magsasaka dito
Ng dahil sa sipag at tiyaga naging buhay milyonaryo

Kaya aking mga kababayan
Alak, sugal at sigarilyo ay ating bawasan
Maging tsismisan man o kumpol kumpulan
Tayo na sa ating bakuran at ng magsitaniman

Ang pagsasaka o pagtatanim ay huwag maliitin
Ng dahil sa atin buong mundo ay kumakain
Kaya TANIM DITO TANIM DOON ay palaganapin
BILI DITO BILI DOON ay ating tigilin

Ang pagtatanim ay ating panatilihin
Maliban sa masarap at masustansyang pagkain
Nagbibigay din ito ng sariwang hàngin 
At nang sa gànun malulusog at malalakas na katawan ay ating maangkin

Ating pangalagaan ATING INANG KALIKASAN
TANIM DITO TANIM DOON ang tanging paraan
Maging ito man ay patag, burol o kabundukan
Ibalij natin ang tunay na Anyo ng Ating Lupang Kinagisnan

Mabuhay ang mga MAGSASAKA
Iligtas natin ang mundo 
Sa tuluyang pagkasira
GLOBAL WARMING ay tulungan nating mapuksa

KUMILOS NA TAYO 
NGAYON NA. . .

HAPPY FARMING . . .

HAPPY FARMERS . . .

No comments:

Featured Post

In testing phase..test mike d Blogsite

PANCIT BIHON AND pandilimon