Ang best way para maalis ang Dengvaxia effect
ay palakasin ang katawan para di lumabas ang side effect.
Kumain ng tama, kalinisan sa katawan, kumpletong pahinga.
Sa bata uminom ng 6 basong tubig araw araw.
Puwede din ang mulitvitamins sa kanila.

Halimbawa #1:
Parang tuberculosis (TB) infection. Alam niyo ba na 90% ng pinoy ay may nakatagong TB sa katawan? Yes halos lahat tayo may nakatagong TB kung tawagin ay Latent TB.
Pero di tayo nagkakasakit. Lalabas lang ang TB sa katawan kapag humina ang katawan natin.
Kaya sunod lang sa health tips natin.
Iwas sigarilyo din. At uminom ng 8 basong tubig araw-araw.

Halimbawa #2:
Bakit sa mga namatay na naturukan ng dengvaxia ay puro MAHIHIRAP lang. May 150,000 din na private students na nabakunahan. Bakit wala nababalita na may namatay.
Dahil pag mayaman ay madali nila dalhin sa doktor at mabigyan ng gamot. Mas kumpleto din sa check up at pagkain. Kaya mas ligtas ang mayayaman. Ayon sa pagaaral, 1% lang namamatay sa severe dengue sa ospital pero 20% namamatay pag walang gamutan.
Iyan ang malungkot na katotohanan diyan. Kaya dapat talaga ipaglaban ang LIBRENG gamot at pang-Ospital para sa MAHIRAP. Iyan ang GOAL natin.

Note: Huwag maniwala sa kung anu-anong injection o milagro na magtatanggal ng dengvaxia sa katawan. Ang naisulat ko sa itaas ang BEST WAY para sa inyo.

Source: Doc Willie Ong

Post a Comment

Previous Post Next Post