ESTANCIA TIMES
News & Documentary for Northern Iloilo

NILIPAT LANG NG DEPARTAMENTO, 2 EMPLEYADO NG DSWD

July 12, 2022 • BY MARK MORALES • DSWD
PAGLILINAW NG DSWD🤗👍

BALITA:  Nilinaw ng DSWD na hindi tuluyang inalis sa serbisyo ang dalawang empleyado nito, bagkus ay inilipat na lamang sa ibang departamento matapos mapatunayang magkamali at may hindi magandang pagtrato sa mga kliyenteng lumapit at humingi ng tulong sa tanggapan.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, kabilang dito ang isang personnel sa NAIA na hindi maayos ang pakikitungo sa mag-ina na galing abroad at isang empleyado sa Tagbilaran, Bohol matapos angasan ang isang ina na nagtatanong lamang kung paano makasali sa programang 4Ps ng gobyerno.

Samantala, binalaan naman ng kalihim ang limang hotline operator sa DSWD main office na hindi sumusunod sa tungkulin.

SOURCE: PTV NEWS 

Photo for attention only🤗
M

Mark Morales

Founder and writer of Estancia Times, covering local news, community stories, history, and documentary reports from Estancia and Northern Iloilo.

Read more about Estancia Times