KUNG MAGULO ANG MUNDO, PAANO TATAYO ANG NEGOSYONG ILONGGO
September 05, 2026 • BY MARK MORALES
KUNG MAGULO ANG MUNDO, PAANO TATAYO ANG NEGOSYONG ILONGGO?
SEC Clears P92.32-B GCash IPO Habang Magulo ang Middle East, Ukraine, at Peso
May dalawang kwento na sabay nangyayari ngayon sa Pilipinas.
Isang magandang balita: Na-aprubahan ng Securities and Exchange Commission ang pinakamalaking IPO sa kasaysayan ng PSE.
Isang nakakabang balita: Magulo ang mundo — at ramdam ito hanggang sa palengke ng Iloilo at sa sari-sari store sa Antique.
Paano konektado ang GCash sa presyo ng pandesal? Ito ang buong paliwanag.
I. ANG MAGANDANG BALITA: P92.32 BILYON GCASH IPO
Noong September 4, 2026, inaprubahan ng SEC en banc ang registration statement ng Mynt Inc., operator ng GCash.
Ito ay 66.9 bilyon shares na sumasaklaw sa firm at selling shareholders.
Ang Detalye ng Offer (Mula sa SEC Filing):
• Total Size: Hanggang P92.32 bilyon gross proceeds • Primary: 1.61 bilyon bagong shares (P16.13 bilyon gross) • Secondary: 6.42 bilyon existing shares ng current shareholders • Overallotment: 1.20 bilyon shares para sa stabilizing agent • Presyo: Hanggang P10.00 per share (maximum price) • Net Proceeds sa Mynt: P14.95 bilyon para sa digital financial services growth. Kung fully ma-exercise ang overallotment, aabot sa P89.25 bilyon ang hawak ng kumpanya at shareholders. • Valuation: P668.96 bilyon • Timeline: Offer Period October 6-12, Listing sa PSE sa October 20 sa ilalim ng ticker GCASH • Float: 12% lamang, sa ilalim ng bagong SEC Memorandum Circular No. 11, Series of 2026. Ito ang bagong rule na P6.2 bilyon minimum + 8% para sa large caps, mas mababa sa dating 15%. Kung 15% pa rin, kailangan magbenta ng P133.79 bilyon na hindi kayang lunukin ng market. Ayon sa Context.ph, si Mynt ang kauna-unahang kumpanya na nakagamit ng bagong rule na ito. • Lead Managers: BPI Capital at BDO Capital (domestic), kasama ang HSBC, Jefferies, CLSA, J.P. Morgan, Morgan Stanley, UBS (international).
Gaano Kalaki si GCash Ngayon? (Ayon sa company filings as of 2025-2026):
• 90 milyon+ registered Filipinos • 39.1 milyon hanggang 40.4 milyon monthly active users, 56.7 milyon daily average transactions • P17 trilyon gross transaction value (GTV) sa 2024 • 78% ng users nakatira sa labas ng Metro Manila at 92% ay mula sa lower-income groups • P362 bilyon na pautang sa 10.5 milyon borrowers na karamihan ay walang access sa formal bank • P79.8 bilyon revenue at P17.2 bilyon net income noong 2025
Paano Makasali ang Ordinaryong Pilipino?
Sa unang pagkakataon, pwede kang maging part-owner. Ayon sa PSE, pwedeng bumili via:
1. GStocks PH sa loob mismo ng GCash app — may 1.7 milyon users na ito o 53% ng lahat ng online retail stock accounts sa bansa. 2. PSE EASy app hanggang P100,000 per Local Small Investor.
Ayon sa analyst estimate ng BusinessMirror, posibleng P5 bilyon ang manggaling mismo sa GCash user base pa lang. Hindi ito official target ng Mynt, kundi pagtataya ng market.
II. BAKIT MAGULO ANG EKONOMIYA?
Kahit maganda ang kwento ng GCash, hindi tayo hiwalay sa mundo.
1. Iran at Middle East - Isyu sa Langis: Patuloy ang tensyon sa Strait of Hormuz. Ayon sa U.S. Energy Information Administration (EIA), humigit-kumulang 21% ng global petroleum liquids ang dumadaan dito. Pag may banta na isara ito, tumataas agad presyo ng langis sa world market.
2. Japan Interest Rates: For decades, halos 0% ang interest sa Japan. Ngayong umaalis na sila sa ultra-low rate policy, gumagalaw ang pera ng mundo — umaalis sa emerging markets tulad ng Pilipinas pabalik sa Japan at US.
3. US Dollar Bilang Safe Haven: Tuwing magulo, ang investors ay tumatakas sa inaakalang safe — US dollar assets. Kaya lumalakas ang dolyar, humihina ang piso. Naobserbahan natin ang pressure sa USD/PHP na pumalo sa P56-P58+ level ngayong taon.
4. Local - Flood Control at Politika: Habang nangyayari ito sa labas, hindi pa rin ganap na nareresolba ang isyu sa flood control projects at mas tumitindi ang political divide sa bansa, na nagpapabagal sa investor confidence.
III. PAANO TAYO TINATAMAAN NG GYERA?
A. Gyera sa Middle East - Direktang Tama sa Araw-Araw na Gastos
• Langis = Lahat Tataas. Diesel ng delivery truck, pamasahe ng tricycle, kuryente (mga 30% ng power natin ay oil/gas pa rin), at maging plastik, sabon, at packaging na galing sa petroleum. • Red Sea Shipping Crisis. Dahil sa pag-atake sa mga barko sa Red Sea, umiiwas ang mga barko via Africa imbes na via Suez Canal. Ayon sa mga shipping lines, dagdag ito ng 10-15 araw sa biyahe at mas mahal na freight. Resulta: delayed at mas mahal ang imported na harina, spare parts, at feeds. • Piso Humihina. Pag lumakas ang dolyar, mas mahal ang lahat ng imported — bigas, mantika, gamot.
B. Gyera sa Ukraine-Russia - Tama sa Pagkain at Utang
• Pagkain: Bago ang gyera, ang Ukraine at Russia ay nagsu-supply ng ∼28% ng world wheat at malaking bahagi ng sunflower oil at fertilizer (FAO data). Nang maapektuhan ang ports, tumaas ang presyo ng harina (pandesal), mantika, at pataba sa palay. • Interest Rate: Dahil mataas presyo ng pagkain at langis, mataas ang inflation sa US at Europe. Para mapababa ito, tinaas ng US Federal Reserve ang interest rates. Kailangan sumunod ng BSP para hindi tuluyang umalis ang dolyar. Resulta: Mas mahal mangutang — GCash loan man o bank loan. Mahina ang bentahan ng bahay, motor, at appliances kasi ayaw mangutang ng tao.
IV. ANO ANG TAMA NITO SA ILOILO PROVINCE?
Dito mas ramdam dahil agrikultura, pangingisda, at byahe ang kabuhayan.
Sa Magsasaka at Mangingisda (Pototan, Oton, Dumangas, Estancia, San Joaquin):
Ayon sa monitoring ng Department of Agriculture at mga lokal na kooperatiba, ang presyo ng fertilizer na dating humigit-kumulang P1,200 per sack ay pumalo sa mahigit P2,000+ noong kasagsagan ng Ukraine crisis. Ang diesel ng traktora at pump boat na humigit-kumulang P60-P70/L sa Iloilo ay nangangahulugang P1,500-P2,000 na agad ang gastos sa isang laot pa lang. Kaya mas mataas ang presyo ng bigas at isda sa Iloilo Central Market at Iloilo Fish Port Complex.
Sa Sari-Sari Store at Panaderia (Pavia, Passi, Sta. Barbara, Miag-ao):
Harina at mantika na apektado ng Ukraine — kaya ang pandesal na dating P3 ay nasa P4-P5 na ngayon sa ilang panaderia sa Iloilo (base sa DTI price monitoring). Kuryente ng MORE Power / ILECO 1,2,3 — may dagdag na fuel cost adjustment tuwing tumataas ang langis. Pati plastic labo at sabon, may oil cost.
Sa OFW at Seafarer Families (Maraming Ilonggo Seaman ang Iloilo):
Ang Iloilo ay isa sa top sources ng seafarers sa Western Visayas. Dahil sa Red Sea rerouting, ang biyaheng 30 araw ay nagiging 45 araw via Africa — mas delikado at mas matagal makauwi. Sa palitan ng dolyar, ang paggalaw mula P56 hanggang P58+ ay may epekto: ang $300 na padala ay may P600-P750 na diperensya — halos isang linggong budget na ng pamilya sa Janiuay o Lambunao. Kinakain din ito ng inflation sa palengke.
V. ANO ANG KAYA NATING KONTROLIN?
Hindi natin kontrolado presyo ng oil. Hindi natin kontrolado rates ng Japan at US. Hindi natin kontrolado pulitika.
Pero kontrolado natin negosyo natin. Apat na bagay na pwede gawin ngayon:
1. Alamin BAKIT sa'yo bumibili ang customer.
Hindi laging produkto. Sa Iloilo, baka ikaw ang pinaka-malapit sa barangay. Baka consistent ang timpla ng batchoy mo. Baka ikaw lang may GCash cash-in/cash-out at may parking. Baka marunong ka mag-Ilonggo mag-asikaso. Hanapin at i-double down mo yan.
2. I-review ang costing at pricing.
Boring pero pinaka-importante ngayon. Alam mo ba kung kumikita ka pa per benta pagkatapos tumaas ang diesel at harina? Wag ma-attach sa high-volume kung lugi pala. Wag matakot magtaas ng presyo — minsan kailangan mo magtaas para hindi ka magsara. Kung maliit ang margin, kahit marami ang benta, mauubusan ka pa rin ng pera.
3. Protektahan ang cash.
Pag maganda ang negosyo, madaling mag-upgrade — motor, bahay, subscriptions. Walang masama. Pero pag humigpit ang cashflow, kailangan may room to breathe. Sa Iloilo, uso ang pautang kay suki — limitahan muna. I-cut ang hindi kailangan. Hindi ito permanent, survival measure para humaba ang runway.
4. Gawing mas lean sa pamamagitan ng systems at technology.
Kung ilang tao pa ang kailangan para lang mag-monitor ng FB page, maglista ng benta, mag-inventory, maningil ng utang, at gumawa ng report — oras na para ayusin ang proseso. Hindi ibig sabihin tanggalin ang tao, kundi: "May paraan ba para mas mabilis at mas accurate?"
Personal na ginagawa ko: AI sa FB page para sa common questions, ChatGPT at Google Workspace para sa strategy at content, at accounting system para sa sales, expenses, payables, receivables, inventory, with virtual bookkeepers.
Goal ay hindi gumamit ng tech dahil uso. Goal ay maging leaner, faster, at may better information.
PANGWAKAS
We can't control global economy, peso-dollar, oil prices, at politics.
Pero kaya nating kontrolin kung gaano kahanda ang negosyo natin.
At baka sa panahong magulo, hindi aggressive growth ang best strategy. Kundi siguraduhin na ang negosyo nating tumatakbo na ay: profitable, cash-efficient, focused, and lean.
At habang naghahanda tayo, magandang simbolo ang GCash IPO — na ang kumpanyang nagsimula sa simpleng SMS at ngayon ay nagsisilbi sa 92% lower-income at 78% outside Manila, ay pwedeng maging pinakamalaking public company. Kung kaya nilang maging sustainable habang pinaglilingkuran ang ordinaryong Pilipino, kaya rin ng negosyong Ilonggo.